^

Police Metro

2 Chinese timbog sa P1.054 bilyong shabu

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang Chinese national sa magkahiwalay na anti-drug operation sa Cavite at Parañaque City kamakalawa ng hapon.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Man Kuok Wong, 39, alyas Jose Ba­luyot Wong; at si Zhizun Chen, 38, nakatira sa Villa Nicacia Subdivision, Brgy.Tanza Luma, Imus City, Cavite.

Nakumpiska kay Wong ang tinatayang 117 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P795.6 milyon na nakatago sa mga tea bags.

Nakuha rin mula sa suspek ang marked money, cellular phone, isang To­yota Corolla na may plate number na TPF-197; Mazda CX-5 na may plakang NCU-5075 at Nissan GTR na may conduction sticker na F2P-235.

Naaresto, alas-3:00 ng hapon sa isang parking lot ng isang supermarket sa Brgy. Bacla­ran, Parañaque City ang suspek na si Chen at nasamsam ang nasa 38 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P251 milyon na nakatago rin sa mga tea bags, isang mobile phone, isang maroon Mitsubishi Lancer na may plate number na WFG-362, at isang silver Chrysler na may plate number na WIV-952.

Ang mga suspek ay kapwa nakapiit  at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ludy Bermudo, Doris Franche, Cristina Timbang

vuukle comment

PDEA

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with