^

Police Metro

PNP babantayan ang ‘cashless vote buying’

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang makipagpulong ang Philippine National Police (PNP) sa mga government agencies  para sa mekanismo o safeguards upang masawata ang vote buying  ngayong 2022 elections sa pamamagitan ng cashless transactions.

Sinabi ni PNP chief, Gen. Guillermo Eleazar, ngayong mas marami ang gumamit ng online cash transfer o  cashless transactions, hindi imposible na maging talamak din ang bentahan ng boto online.

Ayon pa kay Eleazar na ngayong pandemic, ay posibleng maraming pulitiko ang hikayatin ang mga botante na ibenta ang  kanilang  mga boto.

Aniya, laganap ang vote buying sa bansa na tinawag umano ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na “integral part of elections”. Kadalasang  umaabot sa P500 ang binabayad kada botante.

Bagama’t inamin ni Eleazar na malaking hamon sa kanila na imonitor ang  vote buying activities nga­yong 2022 election, sinabi nito na malaking tulong  ang pagkakaroon ng safeguards o mga regulasyon.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with