^

Police Metro

Sunog na bangkay, lumutang sa Delpan bridge

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang sunog na bangkay ang natagpuan sa bisinidad ng pinangyarihan ng nasunog na cargo vessel sa Delpan Bridge sa Maynila kahapon ng umaga.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Comm. Armand Balilo, wala pang pagkakakilanlan ang bangkay ngunit inaalam kung siya ang crew na nawawala sa kasagsagan ng sunog.

Matatandaan na Sabado nang masunog ang barko habang nakadaong sa pier.

Nasa anim ang su­gatan habang nawawala ang isang pasahero na inisyal na kinilalang si Edmund Palanca, nakasuot ng pulang t-shirt, maong na pantalon at nasa 50-anyos ang edad.

Ayon sa PCG, nagpapakarga ng langis ang vessel bago bumiyahe patungong Palawan nang biglang makarinig ng malakas na pagsabog ang kapitan nito.

Nadamay sa sunog ang nasa 100 bahay sa gilid ng dagat makaraang anurin ang mga nasusunog na drum ng krudo at umabot sa mga bahay na gawa sa light materials.

Nasa anim na segment o 150 metro ang lawak ng binakuran ng oil spill boom dahil na rin sa mga tumapon at kumalat na langis na unti-unti na rin umanong nawawala sa katubigan.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with