^

Police Metro

Misis tinodas ng lover, ibinaon sa basement

Mer Layson - Pang-masa
Misis tinodas ng lover, ibinaon sa basement
Habang sugatan naman ang anak ng biktima na si Theffanie Caballero, 22, habang ligtas na nasagip ng mga otoridad ang tatlong taong gulang niyang anak mula sa suspek na nakilalang si Emmanuel De Guia, 33, ng No. 44 Juan Luna St., Bgy. Parang, Marikina City, habang tinutugis pa ang kasabwat sa krimen na nakilalang si Nelbert Agrasada Saz.

MANILA, Philippines — Pinatay muna ang isang ginang ng kanyang lover at pagkatapos ay ibinaon sa semento sa basement ng kanyang bahay, bago tuluyang pinagnakawan naganap sa Quezon City.

Kinilala ang pinatay na si Ma. Theresa Caballero, 50, ng 84 Fil-Heights Ave., Filinvest II, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Habang sugatan naman ang anak ng biktima na si Theffanie Caballero, 22, habang ligtas na nasagip ng mga otoridad ang tatlong taong gulang niyang anak mula sa suspek na nakilalang si Emmanuel De Guia, 33, ng No. 44 Juan Luna St., Bgy. Parang, Marikina City, habang tinutugis pa ang kasabwat sa krimen na nakilalang si Nelbert Agrasada Saz.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-2:00 ng madaling araw noong Hunyo 9 nang pasukin ni De Guia at Saz ang bahay ng mga biktima at pinagsasaksak at pinatay si Ma. Theresa at saka ibinaon ang bangkay sa basement ng bahay.

Pinagsasaksak rin nila si Theffanie, at saka nilimas ang mga salapi, alahas at mga mamahaling gamit nang tumakas ay tinangay ang anak ni Theffanie.

Kahit na sugatan ay pinilit ni Theffanie na makahingi ng saklolo sa kanilang mga kapitbahay at dinala sa pagamutan.

Sa ospital ay ikinuwento ni Theffanie sa mga doktor ang nangyari na siyang nag-ulat sa mga pulis na rumesponde at nahukay ang bangkay ng ina sa basement.

Naaresto si De Guia sa kanyang bahay at ligtas na nasagip ang dinukot na paslit na kung saan ay narekober ang mga gamit na ninakaw gayundin ang Toyota Fortuner ni Ma. Theresa, na ginamit sa kanilang pagtakas.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with