^

Police Metro

Naghamon ng away, patay sa suntok

Christian Ryan Sta. Ana - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 34-anyos na lalaki na na-comatose matapos bigyan ng malakas na suntok sa panga ng kaaway nitong lalaki na hinamon nito ng away naganap kamakalawa sa Zaragoza, Nueva Ecija.

Kinilala ang nasawi na si Joseph Gabriel, binata ng Barangay Sta. Lucia Old, sa Eduardo L. Joson Memorial Provincial Hospital sa Cabanatuan City. Habang sumuko naman sa otoridad ang suspek na si Jayson Villanueva, 26 binata ng nasabing lugar.

Sa ulat, bago naganap ang insidente, alas-7:15 ng gabi nitong Sabado ay nagtungo si Gabriel kasama ang dalawang kaibigan sa harap ng bahay ni Villanueva.

Dito ay hinamon umano ng grupo ng biktima ng suntukan si Villa­nueva upang magkaalaman na umano kung sino ang ma­galing sa kanilang dalawa.

Kumasa  sa hamon si Villanueva at hinarap ang naghahamong si Gabriel at sa palitan ng suntok ay nasapol sa panga ang huli at nawalan ito ng malay tao at na-comatose.

Ang biktima ay dinala ng kanyang kasama sa ospital, subalit namatay ito habang nilalapatan ng lunas.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with