^

Police Metro

Sayyaf na kidnaper, 3 pa dedo sa shootout

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ang apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na ang isa ay nakababatang kapatid ng notoryus na bomb expert nang manlaban ito habang isisilbi ang warrant of arrest kahapon ng madaling araw sa Barangay Alat, Jolo, Sulu.

Kinilala ang mga nasawi na sina Injam Yadah, sub-group leader;Al-Al Sawadjaan, nakababatang kapatid ng isa sa mga kilalang notoryus na bomb expert; habang patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang iba pa.

Sa ulat, alas-2:00 ng madaling araw ay nagsanib-pwersa ang sundalo at pulis para isilbi ang search warrant laban sa mga suspek, pero sa halip na sumuko ay nanlaban ang mga ito kaya’t napilitan na gumanti  ang mga tropa ng pamahalaan na ikinasawi ng apat.

Nabatid na si Yadah ay sangkot sa mga pagdukot sa mga dayuhan at mga lokal na turista sa lugar kabilang na dito ang dating asawa at anak ni dating Talipao Mayor Tambrin Tulawie noong 2018.

Siya rin ang kumidnap kay Rex Triplett sa Sirawai, Zamboanga Sibugay at Dr. Moreno sa Jolo noong 2020 at maraming iba pa.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang M653 Carbine, cal. 45 pistol, IED components at 15 mobile phones.

Nahuli naman ng otoridad ang asawa ni Yadah na may tatlong anak. - Rhoderick Beñez

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with