^

Police Metro

Mga kabahayan nadamay barko nasunog, sumabog sa Maynila: 6 sugatan, 1 missing

Ludy Bermudo - Pang-masa
Mga kabahayan nadamay barko nasunog, sumabog sa Maynila: 6 sugatan, 1 missing
Sa kanyang Facebook post, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na bago mag-alas 9:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa M/V Titan 8 na sinaklolohan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na uma­bot sa ika-5 alarma.
Krizjohn Rosales

MANILA, Philippines — Anim tripulante ang nasaktan habang isa ang nawawala nang magliyab ang isang cargo vessel at sumabog habang nakadaong sa pantalan ng Delpan sa Maynila kahapon.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na bago mag-alas 9:00 ng umaga nang magsimula ang sunog sa M/V Titan 8 na sinaklolohan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na uma­bot sa ika-5 alarma.

Isang pasaherong lalaki na pauwi umano sa Palawan na kinilalang si Edmund Palanca ang hindi pa matagpuan. Inilarawan siya sa suot na light red t-shirt, maong na pantalon, nasa 50-anyos, may taas na 5’7,  kaya nanawagan ang PCG na sakaling may makakita ay ipagbigay-alam agad sa contact number na 09178192189.

May nadamay ring dalawang tripulante ng katabing MV Princess Christine, bukod sa apat na crew mula sa 14 tripulante ng MV Titan. May dalawa pa umanong crew ng MV Titan ang hindi pa nakikita makalipas ang dalawang oras at kalahati.

Nagpadala rin kaagad ng medical team ang PCG para gamutin ang mga nasaktang tripulante ng dalawang barko.

Kumilos din ang PCG para tulungan ang mga residente ng Del Pan Bridge na naapektuhan sa at may ilang bahay pa ang nadamay sa sunog sa Barangay 286 at 275  sa Parola,  Binondo, Maynila.

Ayon sa PCG, pansamantalang nakadaong ang MV Titan para sa refuelling o magkarga ng gasolina bilang paghahanda sa paglalayag patungo sa Palawan nang may marinig na pagsabog.

Nagpakalat na ang PCG Marine Environmental Protection Command sa erya ng anim na oil spill boom at dalawang aluminum boats na may sakay na rescue divers.

Nagpalabas na rin ng “notice to mariners” ang PCG para abisuhan ang mga naglalayag na sasakyang pandagat hinggil sa insidente. 

Kabilang sa nai-dispatch ng PCG ang BRP Panglao (FPB-2402) ang rigid hull inflatable boat (RHIB) na may submersible pump na tumulong sa pag-apula ng apoy at dalawa pang barko na sakay naman ang response teams.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with