^

Police Metro

‘Pfizer, Moderna vaccine posibleng ibenta na sa publiko sa Setyembre’

Malou Escudero - Pang-masa
�Pfizer, Moderna vaccine posibleng ibenta na sa publiko sa Setyembre�
Ayon kay Galvez, ang manufacturers ng mga American vaccines na Moderna, Inc. at Pfizer-BioNTech ay nag-apply na para sa “full authorization” status mula sa World Health Organization (WHO). Maari umano silang magbukas “commercially sa Set­yembre o Oktubre.
AFP/Claudio Reyes

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Secretary Carlito Galvez Jr. na posibleng ipagbili o ibenta na sa publiko ang bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng Pfizer-Biotech at Moderna, Inc,

Ayon kay Galvez, ang manufacturers ng mga American vaccines na Moderna, Inc. at Pfizer-BioNTech ay nag-apply na para sa “full authorization” status mula sa World Health Organization (WHO). Maari umano silang magbukas “commercially sa Set­yembre o Oktubre.

Ang mga bakuna na nabibigyan ng full authorization status ng WHO ay puwedeng bilhin ng mga pribadong kompanya at direktang ibenta sa mga consumers.

Sa ngayon, wala pang bakuna laban sa COVID-19 na pinapayagan sa bansa na ibenta sa publiko dahil emergency use authorization (EUA) lamang ang ibinibigay sa kanila ng Food and Drug Administration (FDA). Lahat ng bakuna laban sa COVID-19 na dumarating sa Pilipinas ay ibinibigay ng libre sa publiko.

Samantala, sinabi rin ni Galvez na maaari nang magsimula sa huling bahagi ng buwan ang pagbabakuna sa mga mahihirap na Pilipino na kabilang sa A5 Priority Group na may kabuuang 8.5 mil­yong populasyon.

vuukle comment

CARLITO GALVEZ JR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with