^

Police Metro

6 ‘pambato’ sa pagka-presidente at bise, inilabas ng oposisyon

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naglabas na ng anim na pangalan ang kowalisyon ng oposisyon na 1 Sambayan na posibleng kanilang pagpipilian na pambato sa pagka-presidente at bise presidente sa 2022 elections.

Kabilang sa anim sina Vice President Leni Robredo, Senator Grace Poe, dating senator Antonio Trillanes IV, CIBAC Party-list Rep. Eddie Villanueva, Batangas Rep. Vilma Santos, at  human rights lawyer Chel Diokno.

Sa anim na pagpipilian, ang susuportahan nilang kandidato sa dalawang pinakamataas na posisyon ng bansa.

Ayon sa kowalisyon, pinili nila ang anim base sa kanilang pagkatao, personal at public integrity, competence, track record, mga proyekto at adbokasiya.

Nauna nang sinabi ni Atty. Howard Calleja, isa sa mga co-convenors ng koalisyon na ikinonsidera rin nila ang track record at paninindigan ng mga kandidato sa isyu ng pandemic response, trabaho, kahirapan, West Philippine Sea at iba pa.

Nauna rito, sinabi ni Robredo na bukas siya sa pagtakbo sa pinakamataas na posisyon ng bansa pero ayon sa kanyang kampo ay sa huling bahagi pa ng Setyembre iaanunsiyo ang pinal na desisyon.

Sa anim, nauna namang nagpahayag ng kanyang intensiyon na tumakbong pangulo ng bansa si Trillanes.

Sa kabila nito, inihayag kahapon ni Sen. Grace Poe na wala na siyang balak na muling kumandidatong presidente ng bansa.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with