_pang-masa
^

Police Metro

30%-50% vaccination rate ng populasyon kailangan para mabago ang sitwasyon ng pinas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hanggang hindi naaabot ang 30%-50% vaccination rate ng populasyon ay wala pang makikitang malaking pagbabago sa estado ng Pilipinas.

Ito ang sinabi ni  Professor Ranjit Rye ng OCTA Research Group na masyado pang maliit ang mga numero ng nababakunahan sa bansa.

Nitong Hunyo 8, ­umabot pa lamang ito sa 4.6 milyong indibidwal na nabakunahan na katumbas ng 4% ng populasyon ng bansa. Nasa 1.6 milyon ng naturang numero ang nakatanggap na ng ikalawang dose.

Matatandaan na target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70 milyon ng populasyon. Inaasinta rin nila na mabakunahan ang nasa 58 milyon pagsapit ng Nobyembre.

Una nang inihayag ng Department of Health (DOH) na nais ng mga eksperto na mabakunahan ang 30% ng populasyon bago luwagan ang ‘quarantine restrictions’ ng bansa.

Idinagdag ni Rye,  habang nagaganap ang ‘vaccination program’ ay dapat pa ring sumunod ang publiko sa ‘minimum health standards’ dahil nananatili ang matin­ding banta ng virus lalo na at maraming lugar sa labas ng Metro Manila na nakitaan ng pagtaas ng mga kaso at pagkakaroon na ng iba’t ibang variants ng COVID-19.

COVID-19 VACCINE POPULATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with