_pang-masa
^

‘Turista, biyahero na kumpleto ang bakuna ‘wag nang i-swab’

Malou Escudero (Pang-masa) - June 6, 2021 - 12:00am

Hirit ng Malacañang official...

MANILA, Philippines — Inihirit kahapon ng isang opisyal sa Malacañang na huwag nang isai­lalim sa swab test ang mga lokal na turista na nakakumpleto nang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, malaking bagay para sa domestic travel at pagbubukas ng ekonomiya kung wala nang RT-PCR test sa mga nakakumpleto na ng bakuna upang sila ay makatipid.

“Pero dapat gawin natin ito eventually sa domestic travel, malaking bagay ito pagbukas ng economy. Iyong mga tao na kumuha ng bakuna, wala nang PCR test kasi pagbiyahe nila sa ibang tourist destinations, mala­king savings din iyan ‘no,” ani Concepcion.

Ginawa ni Concepcion ang panukala matapos paik­liin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases ang haba ng quarantine ng mga international travellers na nakumpleto ang bakuna dito sa Pilipinas.

Sa halip na 10 ginawa na lamang na pitong araw ang quarantine ng mga biyahero na lalabas at muling papasok sa Pilipinas basta’t dito nila nakumpleto ang bakuna bago sila bumiyahe.

COVID-19 TOURIST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with