^

Police Metro

Claimant ng wildlife species, timbog

Butch Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines — Timbog ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs Port ng NAIA at ng Wildlife Traffic Monitoring Unit (WTMU) ng Department of Environment and National Resources (DENR), ang claimant ng paketeng naglalaman ng mga iba’t ibang uri ng mga species ng wildlife sa warehouse ng Federal Express (FEDEX) sa Pasay City.

Sinabi ni Port of NAIA Customs District Collector Carmelita M. Talusan, alas-6:15 ng gabi kamakalawa,  kinuha  ng kinatawan ng consignee,  ang parsela na naglalaman ng mga kontrabando kaya agad dinakip ng mga awtoridad.

Ang parsela ay galing Kuala Lumpur, Malaysia ay idineklarang “lego toys.”

Sa pagsusuri, natuklasan na naglalaman ito ng 20 piraso  ng sulcata pagong, 10 mga razorback pagong, 1 head red bearded dragon, 2 heads corn snake at 8 heads savanna lizard na itinago kasama ng mga laruan sa pakete.

Ang claimant at lahat na kasangkot ay mahaharap sa kaso para sa Ilegal na pag-angkat ng mga species ng Wildlife sa ilalim ng Seksyon 1113 na may kaugnayan sa Seksyon 117 at 1401 ng RA 10863 o “Customs Modernization and Tariff Act” at Sec. 27 ng RA 9147 o ‘Wildlife Resources Conservation and Protection Act.’

Ang Port of NAIA na pinamumunuan ni Talusan ay ganap na sumusuporta sa direktiba ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero tungkol sa pinaigting na proteksyon sa hangganan at nakiisa sa DENR upang mapanatili ang proteksyon ng wildlife at ang konserbasyon nito.

DENR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with