^

Police Metro

Dalagita ginahasa ng lalaking nakilala sa FB

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lalaki na itinuturo ng isang 15-anyos na babae na gumahasa sa kaniya sa loob ng isang motel sa Pasay City kamakailan makaraan na makilala sa Facebook.

Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek na si Richard Castino nitong Mayo 13 sa may West Avenue, Project 7, Quezon City.

Sa ulat, inarkila ng biktima ang suspek noong Mayo 4 para ihatid siya sa bahay ng kaibigan sa Pasay City makaraan na makita sa Facebook na pinarerentahan niya ang kaniyang pribadong sasakyan.

Mismong ang suspek pa ang nag-alok na ipagmaneho ang biktima at Mayo 8 nang muling kunin ng biktima ang serbisyo ng suspek ngunit sa halip na sa kaniyang bahay siya dalhin ay idiniretso siya sa isang motel sa Pasay City kung saan puwersahan umano siyang ginahasa nito.

Dalawang araw pa ang lumipas bago ipinagtapat ng biktima ang pangyayari sa mga magulang na siyang humingi ng saklolo sa NBI na natukoy ang opisina ng suspek sa Project 7, Quezon City na nagresulta sa pagkakaaresto dito.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with