^

Police Metro

Pagbebenta ng COVID-19 vaccine hindi pa pinapayagan

Malou Escudero - Pang-masa
Pagbebenta ng COVID-19 vaccine hindi pa pinapayagan
Ayon kay Roque, ang mga bakuna na binili ng gobyerno ay ipamimigay sa mga natukoy ng benepisyaryo habang ang mga nakuha ng pribadong sektor ay ipamimigay sa kanilang mga empleyado.
AFP/Joel Saget

MANILA, Philippines — Inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi pa pinapayagan sa Pilipinas ang pagbebenta ng bakuna laban sa COVID-19 kaya ipinamimigay ito ng libre, ayon sa Malacañang.

Ayon kay Roque, ang mga bakuna na binili ng gobyerno ay ipamimigay sa mga natukoy ng benepisyaryo habang ang mga nakuha ng pribadong sektor ay ipamimigay sa kanilang mga empleyado.

Ang bakuna na dumarating sa bansa ay nabigyan lang ng emergency use authorization (EUA) at hindi pa maaaring ipagbili.

“Well lilinawin ko lang sa panig ni Presidente, ang pangako niya ay ibigay ang mga bakuna ng libre dahil ang mga bakuna naman inaangkat ng gobyerno ay babayaran ng ating gobyerno,” ani Roque.

Sinabi ni Roque na walang COVID-19 vaccine ang dapat ibenta dahil wala pa itong  general use authority.

Ginawa ni Roque ang pahayag matapos itanggi ng Philippine Red Cross ang ulat na magbebenta na sila ng bakuna sa publiko.

Nilinaw ni PRC Governor Ma. Carissa Coscolluela na wala silang sinisingil sa kahit na anong bagay na nakukuha nila ng libre.

vuukle comment

COVID-19

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with