^

Police Metro

Pfizer at Moderna epektibo laban sa Indian variant

Danilo Garcia - Pang-masa
Pfizer at Moderna epektibo laban sa Indian variant
“What we found is that the vaccine’s antibo­dies are a little bit weaker against the variants, but not enough that we think it would have much of an effect on the protective ability of the vaccines,” ayon sa senior author ng pag-aaral na si Nathaniel “Ned” Landau ng NYU Grossman School of Medicine.
AFP/Claudio Reyes

MANILA, Philippines — Nananatiling mabisa ang Pfizer at Moderna COVID-19 vaccines laban sa mas mapanganib na Indian variant.

Ito ang lumabas sa isang pag-aaral ng mga siyentista mula sa New York University (NYU) sa Estados Unidos.

“What we found is that the vaccine’s antibo­dies are a little bit weaker against the variants, but not enough that we think it would have much of an effect on the protective ability of the vaccines,” ayon sa senior author ng pag-aaral na si Nathaniel “Ned” Landau ng NYU Grossman School of Medicine.

Unang kumuha ang mga siyentista ng ‘blood samples’ ng mga taong nabakunahan ng dalawang uri ng bakuna at inilantad sa mga ‘engineered pseudovirus particles’ na may taglay na mutasyon ng coronavirus na matatagpuan sa B.1.617 o B.1.618 variants na unang natagpuan sa India.

Huling inilantad ang ‘mixture’ sa mga cells na pinalaki sa laboratoryo para malaman kung ilan ang mai-infect.  Dito nila nadiskubre na bagama’t may ilang antibodies ang hindi gumagana laban sa variants, sapat pa rin naman ang bilang ng ibang antibodies na kayang lumaban dito.

Nagpaalala naman ang mga eksperto na ang natu­rang imbestigasyon sa laboratoryo ay hindi nakatitiyak na ganito rin ang mangyayari sa totoong mundo at kailangan pa ng mga dagdag na pag-aaral.

Ang naturang pananaliksik ay itinuturing pang ‘preliminary’ at hindi pa nalalathala sa mga scientific journals para suriin ng ibang mga siyentista.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with