^

Police Metro

500,000 doses ng Sinovac darating ngayon

Malou Escudero - Pang-masa
500,000 doses ng Sinovac darating ngayon
“Ngayong araw po ay malugod nating inaanunsiyo din po na mayroon ta­yong karagdagang 500,000 bakuna mula sa Sinovac na darating po bukas,” ani vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.
AFP/CHAIDEER MAHYUDDIN

MANILA, Philippines — Nasa 500,000 doses ng bakuna na gawa ng Sinovac ang darating ngayon sa bansa.

“Ngayong araw po ay malugod nating inaanunsiyo din po na mayroon ta­yong karagdagang 500,000 bakuna mula sa Sinovac na darating po bukas,” ani vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Sinabi rin ni Galvez na sa kabuuan ay aabot sa 8279,050 doses ng bakuna ang matatanggap ng bansa simula noong Pebrero.

Ngayong buwan ng Mayo ay may kabuuang 7,753,450 bakuna ang matatanggap ng bansa.

“Sa kabuuan po tayo po ay makakatanggap ng 8,279,050 na bakuna mula noong Pebrero. Ang ibig pong sabihin nito,  para po sa buwan ng Mayo lamang ay mayroon tayong 7,753,450 na doses na matatanggap,” ani Galvez.

Inasahan namang nasa 10,000,050 bakuna ang darating sa Hunyo at aabot sa 21,829,050 doses ang matatanggap ng bansa sa una at ikalawang quarter ng taon.

 “Nais ko pong i-emphasize ang adhikain ng ating administrasyon sa ilalim ng pamamahala ng ating Pangulong Presidente ay mabakunahan ang lahat ng Pilipino nang libre. Dito po nagmumula ang aming paniniwala na no one is safe until everyone is safe,” ani Galvez.

vuukle comment

SINOVAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with