_pang-masa
^

Police Metro

Mahigpit na lockdown ipapatupad ni Dutertes

Malou Escudero - Pang-masa

Kung hindi susunod sa health protocols…

MANILA, Philippines — Magpapatupad nang mas mahigpit na lockdown kung hindi susunod ang mga mamamayan sa mga ipinatutupad na health protocols sa gitna ng mga bagong variants ng COVID-19 na nakapasok sa bansa.

Ito ang naging babala ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil ang pag-asa ng bansa ay ang pagsunod ng mga mamamayan at nagkaroon nang pagbaba ng kaso ng COVID-19 dahil sa pagsunod sa mga protocols.

“Alam mo ang pag-asa natin is really the obedience. So if I’m strict and kung may improvement man ngayon sa larangan ng ating mga siyudad, there’s a sharp drop of cases, it’s because they followed the protocols,” ani Duterte.

Kung hindi aniya susunod sa protocols ay tiyak na tataas na naman ang kaso ng COVID-19 at magpapatupad ng mas mahigpit na lockdown habang pinag-aaralan ang bagong variants.

“Kasi pag hindi, then mapipilitan again ako na to impose lockdowns and everything at mas strikto ang gobyerno...‘Pag di sumusunod, may resurgence na naman tapos new variants. Mapipilitan talaga ako mag impose ng lockdown maybe stricter this time because di natin alam anong variants yan, pag-aralan muna yan,” ani Duterte.

Binanggit din ni Duterte na lalong umiinit ang pandemic dahil sa mga bagong variants.

HEALTH PROTOCOLS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with