_pang-masa
^
COVID-19 patients ATBP naibalik na sa PGH
“Almost all patients are back to their rooms and wards. Yung mga nailipat sa chapel, sa corridor, ER, halos naibalik na po namin sila lahat,” ayon kay Del Rosario.
File

COVID-19 patients ATBP naibalik na sa PGH

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

Pero, ER sarado pa rin…

MANILA, Philippines — Inihayag ng tagapagsalita ng Philippine General Hospital na si Dr. Jonas del Rosario, na unti-unti nang buma­balik sa normal ang operasyon ng ospital makaraan ang sunog kabilang ang pagbabalik sa kanilang silid at wards ng mga pasyente maging ang mga CO­VID-19 positives.

“Almost all patients are back to their rooms and wards. Yung mga nailipat sa chapel, sa corridor, ER, halos naibalik na po namin sila lahat,” ayon kay Del Rosario.

Ang hindi pa naibabalik ay ang mga nailipat sa ibang ospital sa Maynila kabilang ang mga pribadong pas­yente at mga sanggol.

Tiniyak ni Del Rosario na naging maayos ang pagbukod nila sa mga COVID-19 patients sa mga ordinaryong pas­yente kahit noong nagsasagawa sila ng evacuation.

Sa kabila nito, sarado pa rin nitong Lunes ang emergency room ng PGH habang suspendido pa rin ang ‘surgical operations’ dahil sa kailangan pang magsagawa ng imbentaryo sa mga gamit at equipments na nasira ng sunog.

Nakatakda namang magtungo ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at Department of Public Works and Highways sa PGH nitong Lunes upang magsagawa ng kumpleto at kumprehensibong pagtataya sa pinsala ng sunog at alamin na rin kung ano ang posibleng pinagmulan ng apoy, na sinasabing nagsimula sa sterilization area ng operating room.

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with