_pang-masa
^
Hospital occupancy sa NCR bumaba na
Nitong Mayo 16, naitala na lamang sa 57% ang utilization rate ng mga ICU beds mula sa pinakamataas na 88%. Nasa 42% naman ang isolation beds, 47% ang ward beds at 46% ang mga ventilators.
The STAR/Miguel de Guzman

Hospital occupancy sa NCR bumaba na

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Department of Health (DOH) Usec. Maria Rosario Vergeire na patuloy ang pagluwag ng ‘hospital occupancy’ para sa mga pasyente ng COVID-19 sa Metro Manila kasabay ng unti-unting pagbaba ng mga bagong kaso kada araw.

Ayon kay Maria Rosario Vergeire na bumaba na sa 48% ang utilization rate ng mga pagamutan makaraang pumalo ito sa ‘high risk’ noong nakaraang Marso at Abril.

Nitong Mayo 16, naitala na lamang sa 57% ang utilization rate ng mga ICU beds mula sa pinakamataas na 88%.  Nasa 42% naman ang isolation beds, 47% ang ward beds at 46% ang mga ventilators.

Naitala naman sa 36% ang occupancy rates ng mga pansamantalang ‘treatment and monito­ring facilities’ ng pamahalaan.

Sa kabila nito, nagpaalala si Vergeire sa publiko at lalo na sa mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan na huwag magrelaks at patuloy na mahigpit na magbantay.

“Sa katunayan po, dapat lang po natin lalong paigtingin at paghusayin ang ating pagsunod dito (health protocols) nang sa gayon ay tuluyan na natin pong mapababa ang mga kaso dito sa NCR and the other areas in the country,” giit niya.

COVID-19 MARIA ROSARIO VERGEIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with