_pang-masa
^

4 OFW na may Indian variant minomonitor

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 18, 2021 - 12:00am

Isa naka-intubate, 3 naka-oxygen support…

MANILA, Philippines — Apat na overseas Filipino workers (OFWs) na natagpuang positibo sa Indian variant ng CO­VID-19 ang patuloy na minomonitor ng Department of Health ang kanilang kalagayan na kung saan ang isa sa kanila ang naka-intubate habang tatlo ang naka-oxygen support sa pagamutan.

“Titingnan natin ‘yung course ng sakit nila kung kompara sa other variants ay mas mahaba at mas nagwo-worsen,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa online media forum.

Sinabi pa ng opisyal na isasailalim sa ‘retes­ting’ ang mga pasyente upang mabatid kung nakarekober na sila sa COVID-19.

Layong makumpirma ng DOH ang unang mga pag-aaral na ang mutation ng Indian variant ay nagdudulot ng kakayahan ng virus na makaiwas sa immune system ng tao kaya matagal gumaling at mas nakakahawa.

Sa 12 natuklasang positibo sa Indian va­riant, siyam ang mga seaman na sakay ng MV Athens Bridge, dalawa ang ga­ling sa Belgium na may reconnecting flight sa United Arab Emirates habang isa ang galing sa Oman.

Nagpatupad na ang Pilipinas ng travel ban sa India, Bangladesh, Nepal, Sri Lanka, Oman, at sa United Arab Emirates.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with