_pang-masa
^

Impeachment complaint laban kay Supreme Court Justice Leonen aarangkada na sa Kamara

Doris Franche (Pang-masa) - May 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na sisimulan na nilang talakayin ngayong araw sa Kongreso ang impeachment complaint na nakabinbin laban kay Supreme Court (SC) Associate Justice Mario Victor F. Leonen.

Ayon kay Romualdez ng Leyte,  isasama sa order of business sa pagbubukas ng sesyon ngayon, Mayo 17 ang impeachment complaint laban kay Leonen sa House Committee in Justice.

Sinabi ni Romualdez na may direktiba mula kay House Speaker Lord Allan Velasco, na isalang na sa komite ang reklamo sa loob ng tatlong araw.

Ani Romualdez, chairman din ng House Committee on Rules na ang referral sa komite ng impeachment laban kay Leonen ay bunsod ng  reklamo ng isang Mr. Edwin M. Cordevilla na inendorso ni Ilocos Sur 2nd District Rep. Angelo Marcos Barba sa  committee.

Bukod sa impeachment ay iniatas na rin ni Velasco na isa-prayoridad sa mga susunod na sesyon ang pagtalakay at pagpasa sa P405.6-bilyong Bayanihan 3 bago man lamang maisagawa ang sine die adjournment sa Hunyo 4.

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with