_pang-masa
^

Bahagi ng Philippine General Hospital, nasunog

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang bahagi ng mga gusali ng Philippine General Hospital (PGH) sa Ermita, Maynila ang nasunog kung saan may mga nakaratay rin na mga pasyente ng COVID-19, nitong Linggo ng mada­ling araw.

Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa insidente makaraang agad na mailikas ang lahat ng pasyente na nakaratay sa pay ward.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila Fire Department, dakong alas-12:41 ng mada­ling araw nang unang sumiklab ang apoy sa may Operating Room-Sanitization Area na nasa ikatlong palapag ng walong palapag na Central Block Building.

Alas-12:58 ng mada­ling araw nang ideklara ang ikalawang alarma hanggang sa makontrol na ang apoy dakong alas-2:46 ng madaling araw at tuluyan itong maapula dakong alas-5:41 na ng madaling araw.

Umabot sa 15 fire trucks ng BFP, 35 fire vo­lunteer firetrucks at lima mula sa lokal na pamahalaan ang rumesponde at nagtulung-tulong na labanan ang apoy.

Ayon kay Fire Senior Insp. Hector Agadulin, chief of operations ng Manila Fire Department, nagmula sa linen area ng operating room ang makapal na usok. Nahirapan din ang kanilang mga tauhan na mapasok ang pinanggagalingan ng apoy at kinailangan pang magsuot sila ng breathing apparatus para makapasok.

PGH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with