_pang-masa
^

Mag-amain na suspek sa pagpatay sa 2 paslit sa Bulacan, arestado

Omar Padilla (Pang-masa) - May 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga otoridad ang dalawang suspek, kabilang ang isang menor de edad, sa pagkamatay ng dalawang bata sa bulubunduking lugar ng San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Romeo Ruzon, 41, gumagawa ng walis at ang kanyang 17-anyos na  stepson, kapwa ng Brgy. Gumaoc East.

Ang biktima ay sina Lou Anderson Icalia, 8, residente ng Gumaoc East at Jenny De Vera,11, ng Gumaoc West.

Sa report, isang goma ang natagpuan sa  crime scene na kahalintulad ng materyales sa paggawa ng walis ng suspek.

Noong Miyerkules ng gabi, Mayo 12, nalamang tumakas ang suspek nang makatunog na magsisiyasat ang mga otoridad sa kanyang bahay.

Nalaman sa tulong ng live-in partner ng suspek na si Romina Canlas at kapatid ng suspek na si Rafael Ruzon ay natunton ng SJDM Police ang pinagtaguan ni Romeo sa Sampaloc, Maynila.

Sinasabing may nakakuha na ng pabuyang P100,000 mula kay Ma­yor Arthur Robes na nagbigay  ng impormasyon para mahuli ang nasa likod ng krimen.

Umamin naman ang suspek sa kanyang nagawang karumal-dumal na krimen nang komprontahin mismo ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar habang rehas na bakal lamang ang kanilang pagitan.

Matatandaang natag­puan ang dalawang bang­kay ng bata na ang isa ay hinihinalang ginahasa, bandang 11:40 a.m. noong Mayo 12 sa masukal, madamo at bulubunduking lugar na sakop ng Brgy. Graveville.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with