^

Police Metro

Public school teachers bibigyan ng DepEd ng 3-buwang halaga ng internet load

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bibigyan ng Department of Education (DepEd) ang mga public school teachers sa bansa ng tatlong buwang halaga ng internet load nga­yong nagpapatuloy pa rin ang distance learning sa bansa dahil sa pandemya ng COVID-19.

Ayon kay DepEd Undersecretary Alain Pas­cua, sa ngayon ay bu­mibili na ang ahensiya ng connectivity load na magkakaloob ng 30 hanggang 35 gigabytes (GB) na halaga ng data kada buwan sa mga public school teachers.

Aniya, sisimulan ng DepEd ang pagpapamahagi ng naturang internet load sa mga guro sa Hunyo.

“We will begin to roll out siguro next month. We will be asking our teachers to register in DepEd Commons para mabigyan sila ng load sa kani-kanilang cellphone,” ani Pascua, sa isang pahayag kamakailan.

Ani Pascua, ang mga hindi nagamit na data allocation ay iro-rollover sa mga susunod na buwan sa loob ng isang taon hanggang sa tuluyan nilang makonsumo ang buong 100GB na data.

Sinabi pa ni Pascua na inaasahan nilang napaka­rami nang magagawa ng mga guro sa naturang bandwidth na ipagkakaloob sa kanila.

Ayon naman kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, naglaan ang ahensiya ng P1.2 bilyong pondo para sa naturang programa.

Aniya, ang naturang data load ang kapalit sa dating plano ng DepEd na magbigay ng P450 load allowance sa mga guro.

Batay sa datos ng DepEd, mayroong mahigit sa 800,000 guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

vuukle comment

COVID-19

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with