_pang-masa
^

2 timbog sa P13.6 milyong shabu sa Taguig

Doris Franche (Pang-masa) - May 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa P13.6 milyong halaga ng  shabu sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa ng hapon sa Taguig City.

Kinilala ang mga suspect na sina Melanie Capin, 35, ng San Marino Subdivision, Brgy. Salawag, Dasmariñas, Cavite at Jeffrey Sadiasa, 31, ng Carnation St., T. S. Cruz Subdivision, Las Piñas City.

Ang dalawa ay agad na inaresto matapos na bentahan ng shabu ang  poseur buyer na pulis sa parking lot ng Sunshine Mall sa FTI, ARCA South, Taguig City.

Nakuha sa mga suspek ang 2 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P13.6 milyon.

Narekober din ang 16 na bundle ng “boodle money” na may kasamang isang analog phone.

Kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

PDEA PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with