^

Police Metro

Ilang pulis- Quezon City dinisarmahan sa drug ops!

Mer Layson - Pang-masa
Ilang pulis- Quezon City dinisarmahan sa drug ops!
Batay sa ulat, magsasagawa sana ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Novaliches Police Station 4 sa parking lot ng isang mall sa Fairview, Quezon City dakong alas-2:00 ng hapon ngunit nagkataong may operasyon din pala roon ang mga tauhan ng PDEA Region 4A.
File

PDEA vs QCPD muling naggirian

MANILA, Philippines — Ilang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) ang dinisarmahan ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos na magkasabay muli ang kanilang anti-illegal drug operation sa isang mall sa Fairview, Quezon City kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat, magsasagawa sana ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Novaliches Police Station 4 sa parking lot ng isang mall sa Fairview, Quezon City dakong alas-2:00 ng hapon ngunit nagkataong may operasyon din pala roon ang mga tauhan ng PDEA Region 4A.

Ayon kay QCPD director Brig. Gen. Antonio Yarra, habang naghihintay ang mga pulis sa kanilang target ay sinita sila ng mga PDEA agents matapos na pagdudahan ang kanilang mga kilos. Nagpakilala umanong mga taga-PDEA ang mga ahente at dinisarmahan ang mga pulis na kaagad ring nagpakilalang mga alagad ng batas.

Kaagad na dumating sa lugar ang hepe ng PS-4 na si P/Lt. Col. Richard Ang para personal na alamin ang sitwasyon habang kinausap naman ni Yarra ang regional director ng PDEA Region 4A.

Matapos ang berepikasyon, nag-usap na rin ang dalawang grupo at payapang naghiwalay. Ini-abort din ang isasagawa sana nilang anti-drug ope­ration.

Noong Pebrero, nagkaengkuwentro ang mga tauhan ng QCPD at PDEA sa isang operasyon sa Commonwealth Avenue kung saan kapwa namatayan ng mga miyembro ang magkabilang panig.

vuukle comment

PDEA

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with