^

Police Metro

DILG sa LGUs: Maghanda na sa ramped-up vaccination program

Mer Layson - Pang-masa
DILG sa LGUs: Maghanda na sa ramped-up vaccination program
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang target sa National Capital Region (NCR) ay makapagsagawa ng 120,000 jabs kada araw simula sa susunod na buwan, sa tulong ng pribadong sektor, na nagsimula na ng simulation exercises kasama ang private supply chain experts.
pna.gov.ph

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagdating ng milyun-mil­yong bakuna laban sa CO­VID-19, pinaghahanda na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local go­vernment units (LGUs) para sa kanilang vaccination efforts upang maabot ang hanggang 4-million jabs sa pagtatapos ng susunod na buwan.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, ang target sa National Capital Region (NCR) ay makapagsagawa ng 120,000 jabs kada araw simula sa susunod na buwan, sa tulong ng pribadong sektor, na nagsimula na ng simulation exercises kasama ang private supply chain experts. 

Nabatid na hanggang nitong Mayo 11, ang bansa ay nakatanggap na ng 7,764,050 total vaccine doses mula sa iba’t ibang suppliers kabilang ang COVAX facility, at 83% nito ay naipamahagi na sa may 3,688 vaccination sites sa buong bansa.

Anang kalihim, bilang pagsunod sa “center of gravity principle”, mas maraming bakuna silang ilalaan sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Pampanga, Cebu, Davao, at iba pang lugar na may mataas na aktibong kaso ng COVID-19, upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

vuukle comment

LGUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with