31 COVID-19 variants natukoy sa 37 samples
MANILA, Philippines — Nasa karagdagang 31 iba’t ibang COVID-19 variants ang natukoy pa ng health authorities mula sa 37 samples na isinailalim sa genome sequencing, kahapon.
Sa ulat ng Department of Health (DOH), University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), ang mga natukoy ay kinabibilangan ng 10 (sampu) B.1.617.2 variant cases, 13 na B.1.1.7 variant cases, pitong B.1.351 variant cases, at isang P.3 variant case, mula sa 37 samples na isinalang sa sequence nitong May 14.
Sa pinakahuling sequencing ay kabilang ang samples mula sa crew members ng MV Athens Bridge, returning overseas Filipinos (ROFs) na may travel history, deceased severe o critical COVID-19 cases.
Ang 10 B.1.617.2 variant cases ay karagdagan sa dalawa pang kasong naiulat na nitong Mayo 11, na sa kabuuan ay 12. Sa 10 kaso, isa rito ang seafarer na nanggaling sa Belgium at ang iba pang 9 ay crew members ng MV Athens Bridge.
Samantala, iniulat ng DOH na may karagdagan pang 13 UK variant cases silang natukoy sa bansa, kabilang dito ang tatlong ROFs at 10 local cases. Ang karagdagan namang P.3 variant case ay natukoy na local case at taga-Region IX. Binawian ito ng buhay noong Pebrero 28, 2021.
Ayon sa DOH, hanggang sa kasalukuyan, ang P.3 variant ay hindi pa rin itinuturing na variant of concern (VOC).
- Latest