_pang-masa
^
Sinehan, bar atbp sa NCR+ sarado pa rin sa heightened GCQ
“Maraming hindi pi­nayagan d’yan katulad ng mga entertainment venues katulad ng bars, concert halls, cinemas, theater, ba­wal ‘yan. Mga recreational venues, arcades, net cafes, billiards, bawal din ‘yan. Sa amusement, parks, fairs, playgrounds, kiddie rides, bawal din. Casino, horse racing, cockfighting, bawal din,” ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.
File

Sinehan, bar atbp sa NCR+ sarado pa rin sa heightened GCQ

Angie dela Cruz (Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Marami pa ring leisure establishments ang hindi papayagang mag-operate sa Metro Manila maging sa karatig probinsya na Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna kahit pa ito ay nasa ilalim na ng heigh­tened general community quarantine simula ngayong araw.

“Maraming hindi pi­nayagan d’yan katulad ng mga entertainment venues katulad ng bars, concert halls, cinemas, theater, ba­wal ‘yan. Mga recreational venues, arcades, net cafes, billiards, bawal din ‘yan. Sa amusement, parks, fairs, playgrounds, kiddie rides, bawal din. Casino, horse racing, cockfighting, bawal din,” ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Ilan pang ipagbabawal dito ay ang outdoor contact sports, games atscrimmages, indoor sports, courts at venues para sa indoor tou­rism at in-person meetings, conferences at exhibitions.

Samantala, ang personal care services at outdoor tourist attractions ay papayagan hanggang 30 percent capacity.

“Kung magpapagupit ka, walang tanggalan ng mask.”

Papayagan naman ang indoor dining sa NCR Plus hanggang 20 porsyentong venue o seating capacity habang ang al fresco dining ay pahihintulutan sa 50 percent.

“Ang binabantayan natin dito maiwasan ‘yung mass gathering. Maitawid natin ito hanggang duma­ting ang mga bakuna natin June, July, August. Mara­ming darating na bakuna pero bago dumating, ‘yan may period pa so kaila­ngang itawid natin so kailangang strict implementation nitong GCQ with heightened restrictions.”

“But within the NCR bubble, pinayagan natin ‘yung staycation sa edad na pwedeng lumabas, and’yan pa rin tayo sa 18 hanggang 65 years old.”

“Pagka ang bakuna nandyan na, malaki ang laban natin. Konting tiis na lang,” dagdag pa nito.

GCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with