_pang-masa
^

Health status ng 41 travellers ng Indian variant sinusuri na

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinusuri na ng Department of Health (DOH) ang health status ng 41 manlalakbay na nakasama sa flight ng dalawang seafarer na napag-alamang positibo sa B.1.617 coronavirus variant na naunang natukoy sa India.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang unang B.1.617 variant case ay mula sa 37-anyos na lalaki na galing sa Oman na may anim na close contact sa kanyang flight.

Pangalawa naman ang kaso ng 58-anyos na la­laki mula sa United Arab Emirates, had 35 close contacts on his flight.

Paliwanag ni Vergeire, sa isang plane setting, sinabing ang “close contact” ay ang mga pasaherong nasa apat na upuan sa harap, katabi at likod ng isang positibo sa COVID.

“The protocols were followed and hopefully hindi naman po tayo nagkaroon ng breaches in protocols para masabi natin na merong danger para sa ating mga kababayan,” lahad pa ni Vergeire.

Sinabi namang guma­ling na ang dalawa at nakauwi na sa Soccsksargen at Bicol.

COVID-19 DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with