_pang-masa
^

Libreng tawag, charging at WiFi kasado na para sa mga apektado ni ‘Crising’

(Pang-masa) - May 15, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa mga residente na maaapektuhan ng bagyong Crising tulad ng Zamboanga Peninsula, Davao Oriental, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Davao del Sur, Cotabato at iba pang lugar ay nakahanda ang Globe na magbigay ng mga libreng tawag, char­ging at WiFi services na maaaring i-deploy anumang oras sa mga lugar na maaaring mawalan ng kuryente dahil sa malakas na hangin at pag-ulan dala ni Crising.

Bahagi rin ng mas pinaigting na pagtugon at kahandaan sa mga kalamidad, nakaantabay na ang mga technical support personnel at maging mga kagamitan gaya ng mga generator para ipadala sa mga lugar kung saan ma­laki ang magiging epekto ni Crising. Bibigyan din ng libreng data ng Globe ang mga Globe at TM customer nito para magamit sa pag-access ng website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at malaman ang mga paghahanda at mga anunsiyo ng pamahalaan sa pananalasa ng mga bagyo.

Nanawagan din ang Globe sa lahat ng mga apek­tadong residente na makinig o kumuha lamang ng balita sa mga lehitimong news site at mga government concerned agency.

Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang GlobeICON on Facebook o bisitahin ang globe.com.ph para sa mga pinakabagong #StaySafePH advisory.

WIFI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with