_pang-masa
^
Higit 4K nurses, lalayas ng Pinas
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na nasa 4,610 nurses ang aalis para balikan ang kanilang mga dating trabaho sa mga pinapasukang ospital sa iba’t ibang bansa.
The STAR/Michael Varcas

Higit 4K nurses, lalayas ng Pinas

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang lumabas ng Pilipinas para bumalik sa kanilang mga trabaho sa ibang bansa ang higit apat na libong mga nurses sa kabila ng matinding pangangailangan sa mga medical frontliners ng mga pagamutan dahil sa COVID-19.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na nasa 4,610 nurses ang aalis para balikan ang kanilang mga dating trabaho sa mga pinapasukang ospital sa iba’t ibang bansa.

Nilinaw ni Bello na ang mga nurses ay hindi mga nawalan ng trabaho ngunit mga nagtapos lamang ang mga kontrata na muling ini-renew.

Binanggit din ng kalihim na natanggal na ang ‘employment cap’ na 5,000 para sa mga nurses sa United Kingdom dahil may ‘oversupply’ umano sa Pilipinas.

 Humihiling pa umano ang naturang bansa na mag-hire ng nasa 2,000 hanggang 3,000 nurses kada buwan.

Pinag-aaralan ngayon ng DOLE ang pagtanggal na rin sa employment cap sa Germany na nais ding mag-hire ng mga Filipino nurses.

Pinag-aaralan pa umano nila ang pagbalanse sa pagpapadala ng mga manggagawa sa ibang bansa at pangangailangan ng Pilipinas.

NURSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with