_pang-masa
^
Heat stroke at iba pang sakit ngayong tag-init
Sinabi ni DOH-Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo na maliban sa heat stroke, dapat iwasan din ng publiko ang ‘sunburn’, mga sakit sa balat, ‘heat cramps, at heat exhaustion’.
Freeman/File

Heat stroke at iba pang sakit ngayong tag-init

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukod sa COVID-19, mapanganib din ngayon ang mga sakit dulot ng matinding init kabilang na ang heat stroke.

Kaya’t pinaigting ng Department of Health (DOH) ang panawagan sa publiko na iwasang maglalabas ng bahay dahil sa nasabing sakit.

Sinabi ni DOH-Calabarzon Regional Director Dr. Eduardo Janairo na maliban sa heat stroke, dapat iwasan din ng publiko ang ‘sunburn’, mga sakit sa balat, ‘heat cramps, at heat exhaustion’.

Hindi umano dapat balewalain ng publiko ang epekto sa kalusugan ng sobrang init na maaaring magdulot ng mas matindi pang mga karamdaman.

Dapat iwasang lumabas ng bahay sa pagitan ng mga oras mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon na may pinakamainit na temparatura sa isang araw. Dapat din na palagian ang pag-inom ng tubig para maiwasan ang dehydration.

COVID-19 DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with