_pang-masa
^

108 sa 496 guests ng resort sa Caloocan, natukoy na

Mer Layson (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Natukoy at na-contact na ng pamahalaan ang nasa 108 sa kabuuang 496 guests ng Gubat sa Ciudad Resort, sa Caloocan City, na nahuling nag-o-operate sa kabila ng ban,

Ito’y dahil hindi umano napapirma ng contact tracing form ng pamunuan ng resorts ang kanilang mga guests na pinayagang makapag-swimming noong Mother’s Day ce­lebration nitong Linggo.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, sa naturang 108 na na-contact na guests, ay 72 pa lang ang naisailalim sa antigen test para sa posibleng impeksiyon sa COVID-19.

Wala pa naman aniya sa mga ito ang nagpositibo sa virus.

“I must admit na napakahirap po talaga nitong pagko-contact trace dahil sa kapabayaan ng resort na ito,” ayon pa kay Malaya, sa Laging Handa press briefing.

Anang opisyal, hindi lamang lumabag sa COVID-19 quarantine protocols ang pamunuan ng resort sa pamamagitan nang pag-o-operate kahit bawal pa, kundi nabigo rin itong papirmahin ang kanilang mga guests ng contact tracing forms kaya’t nahihirapan silang hanapin ang mga ito.

Nabatid na ang kara­mihan sa mga guests ng resort ay mula sa Caloocan City, Bulacan, Malabon, Maynila, Quezon City, at Valenzuela City, na pawang nasa ilalim pa rin ng modified enhanced community quarantine (MECQ) nang maganap ang paglabag nitong weekend.

Sa ilalim ng MECQ, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-o-operate ng mga negosyong may kinalaman sa pagsasaya at pag­lilibang, gaya ng resorts.

Kaagad namang ipinasara ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan ang naturang resort at ipinabawi ang lisensiya nito.

COVID-19 DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with