_pang-masa
^

P4 milyong COVID-19 test kits na ‘di otorisado, nasabat

Doris Franche (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa P4 milyon ha­laga ng hindi otorisadong CoViD-19 rapid test kit  na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong suspek sa Barangay Don Bosco, Parañaque City kamakalawa.

Kinilala ang mga tatlong suspek na sina Ace Dimapilis, Charisse Purino at Aldin Bacaran.

Nakatanggap ng ulat ang pulisya na nagbebenta online ang mga suspek para makakuha ng mga kustomer gamit ang illegal na website.

Dahil dito, rumesponde  ang CIDG at nagkasa ng entrapment operation kung saan nagpanggap na buyer ang kanilang mga pulis at nang maganap na ang transaksyon ay saka sila inaresto ang mga suspek.

Nadiskubreng walang permit ang mga nagbebenta ay iba pang mga kailangang dokumento.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009 ang mga suspek.

COVID-19 TESTING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with