_pang-masa
^

Joma Sison at 18 iba pa mga terorista — Esperon

Doris Franche (Pang-masa) - May 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinukoy na ng Anti Terrorism Council (ATC) si Communist Party of the Philippines (CPP), founder si Jose Maria ‘Joma’ Sison at  18 na iba pa na mga terorista ng bansa.

Sa inilabas na ATC Resolution No. 16 at 17 na pirmado at inaaprubahan ni National Security Adviser (NSA) Hermogenes C. Esperon Jr. kasama sa pinangalanang terorista ng ATC ang mga miyembro ng Central Committee of the Community Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), at Islamic rebel groups na kinapalolooban ng 29 na indibidwal sa ilalim ng Anti-Terrorism Act (ATA).

Bukod kay Joma kabilang din  sa pinangalanang terorista ang misis  nitong si Julieta, Vicente Ladlad, Jorge Madlos, Adelberto Silva, Rey Casambre, Rafael Baylosis, at mag-asawang Wilma at Benito Tiamzon at iba pa na pawang miyembro ng CPP Central Committee.

“I hereby approve this Resolution No. 17 and affix my signature in accordance with the Protocol for the Signing of Anti-Terrorism Council Resolutions during the New Normal,” ani Esperon.

Sa Resolution No. 16, ang nangunang personalidad ay kinilalang si Esmael Abdulmalik, isang Islamic State (IS) fanatic na konektado sa Dawlah Islamiyah (DI).

Kasama rin sa pinanga­lanang indibidwal bilang terorista ay may koneksyon sa DI, Abu Sayyaf Group (ASG), o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na kinilalang sina Raden Abu, Esmael Abubakar, Muhiddin Animbang, Salahuddin Hassan, Radzmil Jannatul, Majan Sahidjuan, Faharudin Bonito Hadji Satar, Mudsrimar Sawadjaan, at Almujer Yadah, ayon pa sa resolusyon.

Ayon kay Esperon, na-verify at na-validate  ang mga ito na kabilang sa nagpaplano, naghahanda at nagsasagawa ng mga hakbang na may kinalaman sa pagiging terorista.

Nilinaw ni Esperon na malinaw na  “master red-tagger” ay si Joma Sison at hindi ang pamahalaan.

JOSE MARIA SISON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with