2 OFW na positibo sa Indian variant ‘di nakapanghawa — DOH
MANILA, Philippines — Hindi nagawang makapanghawa ng dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na natagpuang positibo sa Indian variant ng COVID-19 dahil sa istriktong ‘border protocols’ ng bansa.
Ito ang tiniyak kahapon ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na kung saan ay agad rin silang naisailalim sa ‘quarantine’ paglapag nila sa bansa kaya hindi sila nakasalamuha ng ibang indibidwal.
Makaraang matagpuan na ang dalawang OFWs ay galing sa Oman at United Arab Emirates (UAE), sinabi ni Duque na irerekomenda niya ang mas mahigpit na ‘border control’ sa mga pasahero na galing sa Gitnang Silangan, kung irerekomenda rin ito ng kinatawan ng World Health Organization (WHO) sa Pilipinas.
Hihingi rin si Duque ng payo sa WHO sa posibilidad na palawakin pa ang travel ban na kanilang ipinatutupad.
- Latest