_pang-masa
^
2 mutation ng Indian variant, mas delikado
Sa presentasyon ng DOH sa media forum, nabatid na may 16 na mutation na ang Indian variant at isa rito ang L452R ay sinasabing may mas mataas na kakayahang mas mabilis na makahawa ng marami at malabanan ang antibody ng isang tao.
AFP/Prakash/Singh

2 mutation ng Indian variant, mas delikado

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH)na may dalawang mutation ang COVID-19 Indian variant na mas mapanganib sa tao dahil sa kapabilidad na mas mabilis na makahawa at mas magdulot ng lubha sa pasyente.

Sa presentasyon ng DOH sa media forum, nabatid na may 16 na mutation na ang Indian variant at isa rito ang L452R ay sinasabing may mas mataas na kakayahang mas mabilis na makahawa ng marami at malabanan ang antibody ng isang tao.

Maaari rin nitong matulungan ang virus na maiwasan ang antibodies ng mga indibidwal na nakarekober na o nabakunahan na.

Ang ikalawang mutation na E484Q naman ay kahalintulad ng E484K mutation na matatagpuan sa South African variant at Brazil variant. Mas ma­lakas ang binding capa­city nito sa tao at maaaring makaiwas sa immune system.

Sa Pilipinas bukod sa Indian variant, unang natukoy dito ang presensya ng United Kingdom variant, South African variant at P.3 variant na unang nadiskubre sa bansa.

Muling nagpaalala si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na huwag magpakampante ang publiko dahil wala pa rin sa ‘safe level’ ang sitwasyon sa bansa sa kabila naman ng pagbaba ng mga kaso sa mga nakalipas na araw.

“Ang average daily attack rate pa rin ay mataas, ibig sabihin ‘yung mga bagong kasong natatala sa bawat local government ay mataas pa rin kaya kailangang mag-ingat pa rin.Ang healthcare utilization ng mga ospital natin, bagama’t nade-decongest natin meron pa ring pagtaas, meron pa ring admissions sa ating ospital,”wika ni Vergeire.

COVID-19 DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with