^

Police Metro

‘Pure campaign joke’ pagpunta sa Spratly Islands gamit ang jet ski — Duterte

Gemma Garcia - Pang-masa
�Pure campaign joke� pagpunta sa Spratly Islands gamit ang jet ski � Duterte
Ito ang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa kaniyang ipinangako noong 2016 na pupunta siya sa Spratly Islands gamit ang jet ski at maglalagay ng bandila ng Pilipinas.
Presidential Photo/Karl Norman Alonzo

MANILA, Philippines — “Pure campaign joke”.

Ito ang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa kaniyang ipinangako noong 2016 na pupunta siya sa Spratly Islands gamit ang jet ski at maglalagay ng bandila ng Pilipinas.

“Panahon [ng] kampanya ‘yan. At saka ‘yung biro na ‘yun… ‘yung bravado ko, it was a pure campaign joke. At kung naniniwala kayo sa kabila, pati na rin si Carpio, I would say you are really stupid,” pahayag ng Pa­ngulo sa kaniyang public address.

Ayon sa Punong Ehekutibo, pinaplano niyang ituloy ang naturang pa­ngako at bumili pa aniya siya ng segunda manong jet ski ngunit hanggang ngayon, hindi pa aniya dumarating.

Punto pa ng Pangulo, mawawalan siya ng gasolina at hindi nito kakayanin ang malalaking alon kung itutuloy ang nasabing plano.

“Sige, maghanap ka  ng tao dito magpunta ng jet ski. Aabot pa ng ilang oras, I would conk out in the middle of the sea,” saad ng Pangulo.

Inamin din nito na natakot siyang mamatay dahil hindi siya marunong lumangoy sakaling lumubog ang jet ski bunsod ng malalaking alon.

“Sabi ko, mahirap ito. Sabihin ko na lang balang-araw na inabot ako ng takot. Wala akong magawa. Takot akong mamatay,” ani Duterte.

Dagdag pa nito, “Alam ba ninyo na hindi ako marunong maglangoy? Eh kung matumba yang yawa na ‘yan, magkakapa- kapa na ako. By this time, I would’ve been the late Rodrigo Duterte.”

 

Related video:

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with