^

Police Metro

Pangulong Duterte hindi takot kay Carpio

Gemma Garcia - Pang-masa
Pangulong Duterte hindi takot kay Carpio
Matatandaang tinanggap ni Carpio ang hamon ni Pangulong Duterte na debate pero sa halip na patulan, itinalaga si Presidential Spokesman Harry Roque bilang kanyang kinatawan.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — “Hindi ako takot sa iyo”.

Ito ang pahayag  ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa gitna ng pag-atras ng debate kay dating Chief Justice Antonio Carpio kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pangulo, nakalimutan lang niya na hindi pala presidente si Carpio.

“Hindi ako takot sa iyo. Ang problema hindi ko nga alam na hindi ka presidente. That’s about it,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaang tinanggap ni Carpio ang hamon ni Pangulong Duterte na debate pero sa halip na patulan, itinalaga si Presidential Spokesman Harry Roque bilang kanyang kinatawan.

Sinabi pa ng Pangulo na hindi siya takot na makipag-debate kay Carpio.

Katunayan, ayon sa Pa­ngulo, ilang debate na ang kanyang nadaanan noong panahon ng kampanya noong 2016 presidential elections.

Lalabas kasi aniyang policy statement ang mga bibitawang salita kung itutuloy ang debate kay Carpio.

“So eh policy statement kung anong itanong niya masasabi ko and I might bind future actions of go­vernment pagdating dito sa West Philippine Sea, pero doon ako sa kahon. It’s not because I am afraid of debates. Ilang debate na dinaanan ko noong eleksyon, araw-araw halos,” pahayag ng Pangulo.

Dahil dito kaya mi­nabuti na lang umano niyang umatras sa debate dahil posibleng malagay sa alanganin ang mga aksyon ng gobyerno pagdating sa WPS.

vuukle comment

ANTONIO CARPIO

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with