_pang-masa
^

P1K ayuda sa Bayanihan 3, ‘di uubra — Cayetano

Joy Cantos (Pang-masa) - May 12, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahilan sa kulang na kulang ang P1,000, hinikayat kahapon ni dating House Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang publiko na manawagan sa mga mambabatas para suportahan ang P 10K Ayuda Bill.

Hindi sinang-ayunan ni Cayetano ang panukala ng House Committee on Economic Affairs at Committee on Social Services na P1,000 lamang ang ayudang ipamimigay bawat indibidwal sa ilalim ng Bayanihan 3.

Sinabi ni Cayetano na sapat ang P200 bilyong pondo ng panukalang Bayanihan 3 para makapagpamahagi ng P10,000 ayuda sa bawat pamilya.

“Hindi limos ang hinihingi ng ating mga kababayan. Tulong, dahil extraordinary ang problema,” pahayag ng dating Speaker.

Magugunita na nitong Pebrero ay inihain ni Ca­yetano at kaniyang mga kaalyado ang 10K Ayuda Bill na nag­lalayong mabigyan ng P10,000 tulong-pinansyal ang bawat pamilyang Pilipino habang patuloy ang kawalan ng trabaho at kagutumang dulot ng pandemya.

Isinama ang panukalang batas sa bagong bersyon ng Bayanihan 3, pero sa kasamaang-palad ay hindi isinali ang probisyon na P10,000 ayuda bawat pamilya.

Kumpiyansa naman si Cayetano na hindi ibi-veto o tatanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 10K Ayuda Bill kapag ipinasa ito ng Kongreso dahil may mapagkukunan naman ng pondo para rito.

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with