^

Police Metro

2 drug suspects, todas sa P150 milyong droga

Mer Layson - Pang-masa
2 drug suspects, todas sa P150 milyong droga
Sinisiyasat ng mga pulis ang gamit ng dalawang napatay na drug suspects matapos makipagbarilan sa isang drug buy-bust operation sa bakanteng lote ng Barangay Kalawaan, Pasig City na kung saan ay nasamsam ang 22 kilos ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit P149.6 milyon.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang drug suspects, na sinasabing big-time na distributor ng illegal na droga nang manlaban sa mga otoridad sa isang buy-bust operation, na nagresulta rin sa pagkakasamsam ng may 22 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos P150 milyon sa Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Isa sa mga suspek ay nakilala sa pangalang Arthur Abdul, alyas ‘Abdul,’ habang inaalam pa ng mga otoridad ang pagkaka­kilanlan ng isa pa.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang shootout, alas-9:10 ng gabi sa Axis Road, Brgy. Kalawaan, Pasig City ay nakatanggap umano ang mga otoridad ng impormasyon hinggil sa illegal na aktibidad ng mga suspek.

Nagkasa ng buy-bust operation laban sa mga ito ang mga otoridad at sa kasagsagan ng transaksiyon ay napuna ng mga suspek na mga pulis ang kanilang ka-deal kaya’t nanlaban ang mga ito, na nauwi sa engkwentro at malaunan ay pagkamatay ng mga suspek.

Ang dalawa ay kilala rin umanong siyang nagpapakalat ng illegal na droga sa Region 3, National Ca­pital Region (NCR), Region 4A at iba pang mga kalapit na lalawigan.

Kasabwat din umano sila ng isa sa mga target personalities ng ‘COPLAN CHAIN KNUCKLE.’

Narekober ng mga otoridad mula sa mga suspek ang may 22 kilo ng hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P149,600,000 at nakasilid sa mga Chinese tea bags; isang grey na Nissan Sentra (XJG-404) at dalawang baril na kinabibilangan ng isang kalibre .45 pistola at isang kalibre .380 na pistola.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with