^

Police Metro

Mga konduktor na nawalan ng trabaho tulungan — Tugade

Mer Layson - Pang-masa
Mga konduktor na nawalan ng trabaho tulungan � Tugade
“Nakarating sa akin ang ilang report at litrato kung saan ipinapakita ang ilang konduktor na nanghihingi ng trabaho at tulong sa pamahalaan,”pahayag pa ni Tugade, sa isang video message.
AFP/AC Dimatatac

MANILA, Philippines — “Tulungan natin sila at walang iwanan.”

Ito ang panawagan ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na alamin kung paano matutulungan ng pamahalaan ang mga konduktor ng pampublikong sasakyan na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya ng COVID-19.

Ayon kay Tugade, nakarating sa kanya ang mga ulat na nagpapasaklolo sa gobyerno ang mga konduktor.

“Nakarating sa akin ang ilang report at litrato kung saan ipinapakita ang ilang konduktor na nanghihingi ng trabaho at tulong sa pamahalaan,”pahayag pa ni Tugade, sa isang video message.

Aniya, isa sa mga tinitingnan nilang paraan ay ang maipasok din ang mga ito sa Service Contracting Program ng ahensya.

Dagdag pa ng kalihim, magkakaroon sila ng pulong sa Road Sector ng Department of Transportation (DOTr) upang mabigyan ng solusyon ang naturang problema.

Nanawagan rin naman si Tugade ng tulong ng mga operator para matulungan ang kanilang mga konduktor.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with