_pang-masa
^
Kaso ng COVID-19 sa labas ng Metro Manila, tumaas
Tinukoy ni OCTA member Prof. Guido David ang mga lungsod ng Puerto Princesa, Cagayan de Oro, Zamboanga City at Bacolod na may pagtaas ng kaso.
The STAR/Michael Varcas

Kaso ng COVID-19 sa labas ng Metro Manila, tumaas

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ikinaalarma ng OCTA Research Group ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang lungsod sa Visayas at Mindanao na inaasahan naman na agad na makokontrol ng pamahalaan.

Tinukoy ni OCTA member Prof. Guido David ang mga lungsod ng Puerto Princesa, Cagayan de Oro, Zamboanga City at Bacolod na may pagtaas ng kaso.

“Based on history, nakikita natin na itong smaller LGUs (local government units), mas mabilis nila nako-control ang situation. ‘Di pa naman necessarily alarming ito,” ayon kay David.

Para sa Metro Manila, patuloy ang panawagan ni Guido na unti-untiin ang pagpapababa ng ‘quarantine restrictions’ habang patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 ma­ging sa mga karatig lalawigan na Rizal, Batangas, Bulacan at Cavite.

Inaasahan ng grupo na mas mababa na sa 2,000 ang magiging arawang kaso ng COVID-19 sa NCR makaraang bumaba na ito sa 2,100 mula sa pinakamataas na 5,500.

Sa kasalukuyan, nasa 0.67 ang reproduction rate ng virus at may weekly growth rate na -27% sa Metro Manila.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with