_pang-masa
^
17K bagong pulis hanap ni Eleazar para ipalit sa mga tiwali
Ayon kay Eleazar, ang nasabing bilang ay kanyang ipapalit sa mga tiwaling pulis na sisibakin dahil sa ipatutupad nitong internal cleansing sa PNP.
STAR/File

17K bagong pulis hanap ni Eleazar para ipalit sa mga tiwali

Doris Franche (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng bagong talagang hepe ng Philippine National Police (PNP) na si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na mag-recruit ng nasa 17,000 pulis na ipapalit sa mga tiwali at pasa­way na pulis bilang bahagi ng kanyang isasagawang internal cleansing.

Ayon kay Eleazar, ang nasabing bilang ay kanyang ipapalit sa mga tiwaling pulis na sisibakin dahil sa ipatutupad nitong internal cleansing sa PNP.

Pagtitiyak ni Eleazar, daraan sa tamang pro­seso ang mga aplikante sa pagpupulis at tanging mga kwalipikado lamang ang matatanggap at hindi bibigyang timbang ang mga may “reseta” o may mga referral letter.

Nais, anya nito na tanggalin ang korapsyon, padrino at ang sistema ng palakasan sa kanilang hanay.

Gagamit na anya ng QR code sa aplikasyon para maiwasan ang padrino system.

GUILLERMO ELEAZAR PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with