_pang-masa
^
Kumbinasyon ng COVID-19 vaccine, aprub sa DOH
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakipag-ugna­yan na sila sa Department of Science and Technology (DOST) at sa vaccine expert panel para magsagawa ng pag-aaral ukol dito.
AFP/Yaksin Akgul

Kumbinasyon ng COVID-19 vaccine, aprub sa DOH

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa isyu ng kakapusan ng suplay sa buong mundo ng bakuna ay ikinokonsidera ngayon ng Department of Health (DOH) ang pagsasagawa ng kumbinasyon ng magkaibang brand ng bakuna na ituturok sa publiko.

Isa sa pinag-aaralan ng DOH ang maaaring epekto ng magkaibang bakuna na naibigay sa una at ikalawang dose.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nakipag-ugna­yan na sila sa Department of Science and Technology (DOST) at sa vaccine expert panel para magsagawa ng pag-aaral ukol dito.

“Nakakita sila ng isang bansa na nag-aaral na nitong mixing and matching of vaccines and that would be in UK,” ayon kay Vergeire.

Handa naman umano ang DOH na maghintay ng resulta ng anumang pag-aaral ukol sa kumbinasyon ng mga bakuna hanggang sa magkaroon ng ebidensya na ligtas ito.

May inisyal nang pag-aaral ang VEP na nakatagpo ng ‘theoretical basis’ at dahil sa teorya pa lamang, kailangan pa rin ng dagdag na mga impormasyon at ebidensya.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with