_pang-masa
^

BOC nakasamsam ng P316 milyong illegal goods

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakasamsam ang Bureau of Customs (BOC) sa Navotas City at Pasay City ng nasa P316 milyon ang halaga ng mga illegal goods.

Ang naturang operation ng mga tauhan ng Manila International Container Port’s (MICP) at ng Port of Manila’s (POM) Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ay bahagi ng pinaigting na anti-smuggling campaign ng BOC at pagtupad sa tungkuling bantayan ang mga boarders ng bansa.

Sinalakay ng composite team ang dalawang storage facilities sa mga naturang lungsod noong Mayo 7, sa bisa ng Letters of Autho­rity (LOA), at nakumpiska ang iba’t ibang illegal at IP infringing items na tinata­yang aabot sa mahigit P316 milyon.

Ang unang team ay nagtungo sa storage faci­lity sa Navotas City kung saan nadiskubre ang mga smuggled frozen meat, peking duck at black duck, na tinatayang nagkakahalaga ng P16 milyon.

Ang ikalawang team naman ay nag-operate at nag-inspeksiyon sa storage facilities sa Pasay City, kung saan nila nadiskubre ang IP infringing clothing gaya ng mga brands na Nike, Lacoste, Jag, Louis Vitton, Jordan, Crocs,  Adidas, Havianas, Disney, Frozen, Hello Kitty, Tribal, Dickies, Mossimo, Levi’s, Petrol, Gap, Fila, Uniqlo, Lee, Puma, DC , at Marvel, na tinatayang nagkakahalaga ng P300 milyon.

Ang mga naturang items ay kasalukuyan nang sumasailalim sa imbentaryo at imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Section 1400 ng RA 10863 o mas kilala sa tawag na Customs Mo­dernization and Tariff Act (CMTA), gayundin sa iba pang intellectual property laws ng bansa.

Sinabi naman ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, na ipagpapatuloy ng ahensiya ang pagtugis sa mga tiwa­ling indibidwal na sangkot sa smuggling.

BUREAU OF CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with