^

Police Metro

PAGCOR: 2 kumpanya pa lang ang pinapayagang mag-operate ng sabong online

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang kumpanya pa lang ang pinapayagan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na magpalabas ng sabong online sa kabila ng paglipana ng mga iligal na e-sabong ngayon sa internet.

Sinabi ni PAGCOR chairman Andrea Domingo, na tanging ang Lucky 8 Starquest ni Atong Ang at Belvedere Corp. naman ni Bong Pineda pa lang ang may lisensya para magpalabas ng sabong online.

Ayon kay Chairman Domingo, “limang kumpanya ang nag-apply ng license pero yung Lucky 8 at Belvedere pa lang ang nagbayad ng performance bond na 75 million pesos each.”

Napag-alaman na ang mga kumpanyang, “Encuentro”, “Magnus”, at “Oriental Capital Venture” ay hindi pa nagbabayad ng mga kaukulang fees at taxes kaya hindi pa pinapayagang magpalabas ng sabong sa kanilang website, ayon kay Domingo.

Nakikipag-ugnayan na ang PAGCOR sa PNP na hulihin ang mga online sabong sites na wala pang mga lisensya.

“Ang e-sabong ang major source ng funds namin sa ngayon dahil nagsara nga ang mga casinos due to covid,” paliwanag ng PAGCOR chairman.

Napupunta sa social funds ng pangulo na ibi­nibigay naman ni Pangu­long Duterte sa mga ospital at ayuda ngayong pandemya.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with