_pang-masa
^

3 tulak timbog sa P1 milyong shabu

Danilo Garcia (Pang-masa) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong drug pusher ang naaresto sa isang buy-bust operation ng  mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at nasamsam ang nasa P1 milyon halaga ng shabu sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang mga naaresto na sina Anna Loivina, 38; Atilano La­yosa Jr., alyas Raprap, 37; at Dianne Joy Desiderio, 35, pawang mga magkakapitbahay sa Malaya Street, Brgy. 124 Zone 10, Tondo, ng natu­rang lungsod.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng Sabado ng mada­ling araw nang ikasa ng kanilang Drug Enforcement Unit (DEU) ang buy-bust operation sa isang eskinita sa Malaya Street, Brgy. 124 Zone 10, Tondo.

Kumagat sa pain ng mga pulis ang tatlong suspek nang kanilang pagbilhan ang poseur buyer ng pulisya ng shabu kapalit ng P500 na marked money at nakumpiska ang walong plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 150 gramo ng hinihinalang shabu at may katumbas na halagang P1,020,000. Nakumpiska rin ng mga suspek ang isang kalibre .45 na baril na may tatlong bala sa magazine nito at P2,000.

MANILA POLICE DISTRICT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with