_pang-masa
^

2 milyong doses ng AstraZeneca dumating na

Ludy Bermudo (Pang-masa) - May 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa kahapon ang mahigit 2-mil­yong doses ng bakunang AstraZeneca laban sa COVID-19 mula sa COVAX facility.

Ang COVAX facility ay ang international partnership na itinatag upang matiyak ang patas na distribusyon o pamamahagi ng COVID-19 vaccines sa buong mundo.

 Sa joint press statement ng Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO) at United Nations Children’s Fund (UNICEF), nabatid na ang naturang shipment ay karagdagan sa kalahating milyong doses ng AstraZeneca na unang idineliber noong Marso, at bahagi ng 4.5 milyong total doses na ipinangako ng COVAX sa Pilipinas.

  Mahigit 300,000 Pinoy na rin na nasa priority groups ang nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna at ngayon ay fully vaccinated na laban sa COVID-19. Halos 100% naman ng AstraZeneca vaccines na naideliber noong Marso ay naipadala na sa mga local government units (LGUs).

 Hanggang nitong Mayo 2, 2021, mula sa 525,600 doses ng natu­rang bakuna ay 525,337 na ang nai-administer sa mga health workers, matatanda at mga persons with underlying health conditions.

ASTRAZENECA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with